-- Advertisements --
Gagastusan ng US ng $115 milyon halaga ng mga counter-drone technologies para matiyak ang seguridad sa World Cup at ang pagdiriwang ng ika-250 taon ng American independence.
Ayon sa Department of Homeland Security, na agad nilang pinapabilis ang pagbili at pagpapakalat ng nasabing mga drone at counter-drone technologies.
Dagdag naman ni Homeland Security Secretary Kristi Noem na nangunguna ang US kung ang pag-uusapan ay teknolohiya sa drones.
Talamak kasi sa US ang pagpapalipad ng drones ng walang anumang permit kaya bilang pagbibigay ng seguridad ay tiityakin nilang agad na mahaharang ang mga drones.
Gaganapin ang FIFA World Cup mula Hunyo 11 hanggagn Hulyo 19 kung saan magiging host ang US, Canada at Mexico.















