-- Advertisements --

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong Biyernes, Pebrero 27 kaninang umaga na nagtagal ng mahigit isang oras mula alas-9:43 ng umaga hanggang alas-10:53 ng umaga, base sa time-lapse footage na ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa Kanlaon Volcano Observatory sa Kanlaon City, nag-generate ang naturang event ng makapal na kulay abong plumes sa ibabaw ng summit crater na napadpad sa timog na direksiyon.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 2 ang alerto sa Bulkang Kanlaon, kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Ilang lugar naman ang naapektuhan ng ashfall kabilang ang bayan ng La Castellana kasunod ng pagputok ng bulkan nitong gabi ng Huwebes, Pebrero 26.

Pinapayuhan ang mga residente na magsuot ng face mask upang maiwasan ang epekto ng ashfall sa kalusugan.