-- Advertisements --

Ilang mga Democrats na ang nagpahayag na hindi dadalo sa unang State of the Union Address ni President Donald Trump.

Tinawag naman ni US House Speaker Mike Johnson ang plano ng ilang Democrats na hindi dumalo na isang kahihiyan.

Asahan na tatalakayin ni Trump ang ilang mga mahahalagang programa nito lalo na ang paglaban sa mga immigrants.

Kabilang naman na magiging bisita nito si Erika Kirk ang asawa ng napaslang na activist at Trump supporter na si Charlie Kirk.

Kasama rin na inimbitahan ang US Mens’ Hockey Team na nagkampeon sa katatapos na Winter Olympics.

Itinuturing naman ni White House press secretary Karoline Leavitt na isang record-breaking ang mga babanggitin ni Trump sa kaniyang State of the Union address nito.

Gaganapin ang State of Union Address ni Trump ngayong Pebrero 25 dakong alas-10 ng umaga oras sa Pilipinas.