Inihayag ng Department of Justice na sila’y nakabantay sa mga magaganap ngayong araw partikular lalo na sa mga isasagawang kilos-protesta kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng People Power Revolution.
Pagtitiyak ng kagawaran na maging sila’y nakahanda sa selebrasyon kung saan maraming grupo at indibidwal ang makikilahok sa iba’t ibang mga aktibidad o gawain.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, naka-standby ang mga ‘prosecutors’ ng justice department para maging kaagapay ng mga awtoridad.
Aasiste aniya kasi ang mga piskal ng kagawaran sa mga law enforcement officers sa pagsasagawa ng ‘inquest proceedings’ pag’ kinakailangan.
Sa naturang proseso dinidetermina ng prosekusyon ang bisa o ‘validity’ ng warrantless arrests sa oras na may hulihin ang mga awtoridad.
Kaugnay nito, sa mensaheng ipinadala ng Department of Justice sa Bombo Radyo, nagbigay paalala si Spokesperson Polo Martinez sa mga makikilahok sa iba pang mga pagkilos ngayong araw.
Hinimok niya ang publiko na gawin ito ng mapayapa at isinasaalang-alang pati kaligtasan hindi lamang ng sarali kundi ng bawat isa.
“As people exercise their constitutional right to peaceful assembly, we remind everyone to remain peaceful, follow lawful orders, and prioritize their safety and the safety of others,” ani Atty. Polo Martinez ng spokesperson ng Department of Justice.















