-- Advertisements --

Binigyan ng Department of Justice (DOJ) ng hanggang Marso 9 para magbigay ng counter-affidavit si Senator Jinggoy Estrada at mga kasama nitong sangkot sa kasong plunder na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) .

Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez na nagdagdag kasi ang NBI ng mga respondents at ebidensya sa kanilang ipinasang reklamo
Dagdag pa nito na binigyan ng prosecutors ang NBI ng hanggang Pebrero 26 na magbigay ng mga kopya sa mga respondents ng kanilang mga ebidensya.

Kapag nabigyan ang mga ito ng dokumento ay mayroong hanggang Marso 9, 2026 ang mga respondents na magpasa ng kanilang counter-affidavits.

Hindi naman na nila ibinunyag pa ang pagkakakilanlan ng mga dagdag na kasabwat ng senador.