-- Advertisements --
Nagpahapyaw ang White House sa magiging laman ng State of the Union Address ni US President Donald Trump.
Gaganapin ito dakong alas-10 ng umaga ng Miyerkules oras sa Pilipinas kasabay ng 119th Congress.
Ayon sa White House na magigin mahaba ang nasabing talumpati ni Trump dahil sa dami ng kaniyang mga nagawang accomplishments.
Asahan din aniya ang mga pag-anunisyo nito ng mga prioridad na proyekto at ang panukalang polisiya na ipapatupad sa US.
Dahil dito ay naghigpit ng seguridad ang mga otoridad sa US dahil sa inaasahang paglunsad ng mga kilos protesta.
















