-- Advertisements --

Hiniling ni Distilled Spirits Association of the Philippines sa pamahalan na huwag nang baguhin ang buwis pagdating sa mga inuming alkohol, at sinabing nasagad na sila pagdating sa pagpapataw ng buwis.

Sa naging pagdinig sa House Committee on Ways and Means inihayag ni Distilled Spirits Association of the Philippines Olivia Limpe-Aw, na bago pa man sila makapagproduce ng bote ay nagbibigay na sila ng paunang deposit sa Bureau of Internal Revenue.

“In our industry, even before we produce any bottle, we already make advanced payments. We make an advanced deposit to the Bureau of Internal Revenue. As the product comes into existence and is bottled in the plant, that tax attaches to the bottle, so we already paid the tax even before a single bottle of these distilled spirits or the fermented beer is produced.”

Dagdag pa nito na bago pa man magawa ang inuming alak ay nagbabayad na sila ng buwis. Sinabi rin ni Limpe-Aw na bukod sa value added tax at iba pang buwis ay mayroon din sila 22% ad valorem tax base sa net retail price.

[ Bago pa man kami makagawa ng kahit ano mang bote, mayroon na kaming paunang binabayad. May binabayad na kaming advance deposit sa Bureau of Internal Revenue. Nakakabit na iyon sa mismong bote, kaya nabayaran na namin ang buwis kahit bago pa man magkaroon ng fermented beer,”] ani Limpe Aw.

Humiling din sila Limpe-Aw sa Department of Finance na kung maaari ay tumingin sa iba pang bilihin na maaaring patawan ng buwis.

Sa datos na ipinapakita ng Department of Finance, ipinapakita na ang excise tax collection mula sa local manufactured distilled alcohol mula Enero hanggang Setyembre ay 8.1% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon naman kay Department of Health Dr. Dominic Maddumba, base sa naging resulta ng 2025 National Nutrition Survey patuloy pa rin ang pagtaas ng pagkonsumo ng mga adult sa inuming alkohol kaysa sa taong 2023.

“So nakikita po natin dito na even though we have taxes na ipinapataw dito sa ating alcohol products, tumataas pa rin po ‘yung consumption ng ating mga kabataan at ating adults when it comes to these products,” ayon kay Dr. Maddumba.

Naniniwala naman ang ilang mga mambabatas na ang proposed tax measure ay paraan upang hindi madaling bilhin ng mga kabataan ang mga alkohol na inumin.

“Ang gusto natin talaga maging less accessible siya sa mga kabataan. The prices should increase so we can protect our young people to perhaps make healthier choices,” ani Albay 1st District Rep. Krisel Lagman.

Magapatuloy pa rin ang deliberasyon sa panukalang batas sa House Committee on Ways and Means.