-- Advertisements --

BIR, nalagpasan ang target tax collection sa unang 4 buwan ng 2026
Loops: BIR, Charlito Martin Mendoza, tax

Nalagpasan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target tax collection nito sa unang apat na buwan ng kasalukuyang taon.

Batay sa official report ng ahensiya, umabot sa mahigit P1.155 trillion ang nakolekta nitong buwis mula Enero hanggang Abril ngayong taon.

Ito ay mas mataas ng P9.6 billion kumpara sa sa target collection ng ahensiya para sa naturang period.

Ayon kayBIR chief, Charlito Martin Mendoza, bunga ito ng pinalawak at pinagbuting mga reporma sa digitalization, audit system, at taxpayer services, tulad ng inilunsad ng BIR na digital tax calendar, online taxpayer portal, at pinasimpleng proseso ng business registration.

Bahagi ito ng modernization effort ng gobiyerno at ng bukas na pangungulekta ng buwis sa buong bansa.

Umaasa ang ahensiya na tuloy-tuloy ang pagtaas ng tax collection sa kabuuan ng taon, kasama ang kooperasyon ng mga PIlipino para sa akma at tamang pagbabayad ng buwis. (report by Bombo Jai)