-- Advertisements --

Naimbitahang dumalo ang US men’s hockey team sa State of Union Address ni President Donald Trump.

Inimbitahan sila ng White House ilang araw matapos na magkampeon ang mga ito sa katatapos na Winter Olympics.

Sinundo sila mismo ng US Air Force 757 mula sa Miami patungo sa Washington DC.

Magugunitang tinalo nila ang Canada 2-1 para makuha ang kampeonato matapos ang 46 na taon.