-- Advertisements --
Nagkampeon ang US sa men’s Olympic ice hockey matapos na talunin ang Canada 2-1 sa 2026 Winter Olympics.
Ito ang unang gintong medalya ng US matapos ang 46 na taon.
Sinelyuhan ni Jack Hughes sa pamamagitan ng overtime ang laro.
Huling nakakuha kasi ang US ng gintong medalya sa ice hockey noong 1980 sa “Miracle on Ice” sa Lake Placid.
Tinalo rin ng women’s ice hockey ang Canada sa gold medal match sa score na 2-1 sa overtime.
















