Opisyal nang tinangggal ang 45-araw na pagbabawal o closed season sa paghuli ng ludong na nagsimula noong Oktubre 1.
Ayon sa mga lokal na awtoridad, maaari nang muling manghuli ng nasabing isda ang mga lisensyadong mangingisda alinsunod sa mga itinakdang alituntunin at tamang sukat.
Ang ludong, na may siyentipikong pangalang Cestraeus goldiei, ay kinikilala bilang isa sa pinakabihira at pinakamahalagang isda sa bansa dahil sa katangi-tanging lasa nito.
Katutubo ang isdang ito sa mga pangunahing sistema ng ilog sa hilagang Luzon, partikular na sa Cagayan River at Abra River system.
Paliwanag ng pamahalaan, ipinatutupad taun-taon ang closed season upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga ludong na makapangitlog at mapanatili ang kanilang populasyon.
Nanawagan naman ang mga kinauukulan sa publiko at mga mangingisda na sumunod sa mga batas-pangisdaan upang matiyak ang patuloy na kasaganaan ng likas-yaman sa rehiyon.
















