Pinangunahan ng Department of Agriculture – Regional Field Office VI (DA-RFO VI) ang pagbubukas at unang anihan sa Smart Greenhouse Facility ng Value Chain Enhancement of High-Value Crops through Smart Agriculture (VEHCSA) Project sa Kalibo, Aklan.
Ito ang kauna-unahang pasilidad na natapos sa ilalim ng tatlong itinakdang pilot areas para sa rehiyon sa ilalim ng proyektong naglalayong isulong ang makabagong teknolohiya sa agrikultura.
Layunin ng pasilidad na mapahusay ang kalidad ng mga produktong pang-agrikultura at mapataas ang antas ng produksyon para sa mga lokal na magsasaka ng high-value crops.
Isinakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at suporta mula sa Korea International Cooperation Agency (KOICA).
Inaasahang magbubukas ang makabagong sistema ng mas malawak na oportunidad para sa mga magsasaka upang mas madaling makapasok sa mga lokal at panlabas na merkado.














