-- Advertisements --

Nananatiling matatag ang lakas ng Tropical Depression “Basyang” habang patuloy itong kumikilos sa bahagi ng Central Visayas. 

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa paligid ng Dauis, Bohol, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 km/h malapit sa sentro at bugso na hanggang 75 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa Luzon, kabilang ang Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, hilagang Palawan, Cuyo Islands, Cagayancillo Islands, Calamian Islands, at ilang bayan sa Masbate.

Sa Visayas, apektado ang Eastern Samar, Samar, Guimaras, Iloilo, Capiz, Antique, Aklan, Biliran, Bohol, Cebu, Negros Occidental, Negros Oriental, Leyte, Southern Leyte, at Siquijor.

Sa Mindanao naman, nakataas ang babala sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Misamis Oriental, hilagang Misamis Occidental, Camiguin, at hilagang Zamboanga del Norte. Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng malakas na ulan na dala ng bagyo.