Tatalakayin na sa plenaryo ng Kamara ang dalawang mahahalagang panukalang batas mula sa mga Akbayan Representatives para sa mas ligtas at patas na lipunan.
Layunin ng Safe Spaces Act Amendments (HB 768) na palakasin ang proteksyon laban sa pang-aabuso sa pamamagitan ng mabigat na parusa sa “grooming” o pananamantala sa tiwala ng mga bata.
Kasama rin sa HB 768 ang mahigpit na hakbang para labanan ang online sexual harassment, lalo na ang mapanirang paggamit ng AI at deepfakes laban sa mga indibidwal.
Pinapanagot din ng panukalang ito ang mga institusyon sa pamamagitan ng mahigpit na screening sa mga tauhan ng eskuwelahan at pagpaparusa sa mga nagwawalang-kibo sa mga reklamo.
Samantala, nakatutok naman ang SOGIESC Equality Bill (HB 765) sa pagbabawal ng diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity, gender expression, at sex characteristics sa trabaho at paaralan.
Tinitiyak din ng panukalang ito ang pantay na access sa healthcare at mga serbisyo publiko para sa lahat, upang tuluyang makamit ang inaasam na hustisya at proteksyon.














