Hinimok ng isang abogado ang publiko na mag-ingat sa mga nakikita o nababasang impormasyon sa ‘online’ hinggil sa pagdinig ng kamara sa ‘impeachment’ laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, nagpaalala si Atty. Lorna Capunan sa mga mamamayan ukol sa tinatawag na ‘online troll armies’ na layon sirain institusyon.
Giit niya’y kasabay ng ‘impeachment process’ kontra sa ikalawang pangulo, mayroon mga ganitong uri ng paninira online.
Naniniwala siyang sa kabila ng pagdinig ng kongreso hinggil rito ay nagagampanan pa rin tutukan maging ang ibang mahahalaga pang isyu sa bansa.
Kaugnay sa usapin ‘impeachment’, binigyang diin ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na dapat hindi mangialam ang Korte Suprema sa prosesong isinasagawa ng kongreso.
Dapat aniyang magkaroon ng ‘judicial restraint’ ang Kataas-taasang Hukuman sapagkat ginagawa naman raw ng House Justice Committee ang mandato nito.
Kanya pang sinabi na mayroon tinatawag na ‘exclusive power’ ang naturang komite sa pagsusulong ng ‘impeachment case’.
Umaasa rin ang naturang mambabatas na hindi mag-iisyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order para pigilan ang patungkol sa pagproseso ng kamara sa impeachment.















