-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kongreso na unahin ang pagtalakay at pagpapasa ng apat na mahahalagang panukalang batas: ang Anti-Dynasty BillIndependent People’s Commission ActParty-list System Reform Act, at CADENA Act na naglalayong paigtingin ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan.

Sa LEDAC meeting ngayong umaga, pinayuhan ng Pangulo ang Senado at Kamara na pag-aralang mabuti at agad aksyunan ang naturang mga panukala.

Dumalo sa pulong sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Dy III, Majority Leader Sandro Marcos, at iba pang lider ng Kongreso.

Napagkasunduan rin sa LEDAC ang timeline para sa pagpasa ng General Appropriations Bill (GAB) at ang mabilis na pagsusumite ng enrolled bill para sa pirma ng Pangulo.