Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea at Philippine Navy Inspector General RADM Roy Vincent Trinidad na ang pagtaas ng bilang ng presensiya ng Chinese Communist Party sa West Philippine Sea ay walang kaugnayan sa nagpapatuloy na armed conflict sa Gitnang Silangan.
Aniya, nito lamang nakaraang lingo, aabot sa 34 mga barko ng China ang namataan sa WPS na siyang malayo sa 21 nitong huling dalawang lingo ng Pebrero.
Sa kabila nito, tiniyak rin ni Trinidad na wala namang nakikitang magiging pagbabawas sa mga pagsasanay ang militar lalo na ang mga pagkakasa ng mga bilateral activities kasama ang Estados Unidos bilang kaalyadong bansa nito.
Samantala, sinabi naman ng tagapagsalita na inaasahan sa ngayon ang hindi bababa sa 500 pang mga aktibidad sa ilalim ng Mutual defense Board-Security Exchange Board.
















