Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling matatag ang Pilipinas sa pagtataguyod ng rule of law at karapatang pantao, na pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa mundo.
Ginawa ng Pangulo ang kaniyang pahayag sa kaniyang talumpati sa UN General Assembly na ginanap sa UN Headquarters sa New York.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang pag-anib ng bansa sa United Nations, 80 taon na ang nakalipas ay nakabatay sa paniniwalang ang rule of law ang gabay sa mga pandaigdigang ugnayan.
Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na patuloy na sinusunod ng Pilipinas ang multilateralism, ang UN Charter at ang United Nations Convention on the Law of the Sea.
Dagdag pa ng Pangulo, nananatiling nakatuon ang bansa sa diplomasya at mapayapang pagresolba ng mga alitan, habang iginagalang ang soberanya, integridad, at pantay na karapatan ng lahat ng estado.
Aniya, sa walong dekada ng pagiging kasapi ng Pilipinas sa UN, palaging tumutugon ang Pilipinas sa mga panawagan ng organisasyon, pinatutunayan ang matibay nitong suporta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
















