-- Advertisements --

Tiniyak ng Saudi Arabia na sila ay gaganti sa ginawang pag-atake ng Houthi rebels sa kanilang paliparan.

Ayon kay Prince Abdul Aziz bin Salman, na kanilang siniseryoso ang magkakasunod na pag-atake ng Houthi rebels.

Mararapat aniya na hindi ito palampasin dahil sa walang puso ang gumawa ng nasabing pag-atake.

Sa mga nagdaang araw kasi ay dalawang paliparan na ang inatake ng Houthi rebels.

Sinusuportahan kasi ng Saudi Arabia ang gobyerno ng Yemen para labanan ang Houthi rebels.

Mula pa kasi noong 2014 ay tinangka ng Houthi rebels na kontrolin ang gobyerno.