-- Advertisements --
Pumanaw na ang professional wrestler na si Bronson Reed sa edad na 38.
Kinumpirma ito ng World Wrestling Entertainment (WWE) sa pagpanaw ni Reed o Jermaine Haley sa tunay na buhay.
Ang kaniyang pagkasawi ay ilang linggo matapos ang laban nito kay Oba Femi na ginanap sa Crown Jewel event sa Riyadh, Saudi Arabia.
Hindi naman na nila binanggit pa ang sanhi ng kamatayan ng nasabing wrestler.
Ang Australian-born wrestler ay tinagurian bilang “powerhouse” sa arena kung saan nagsimula ito sa WWE noong 2019.
Siya rin ang dating NXT North American Champion at nagwagi rin bilang Andre the Giant Memorial Battle Royal noong 2024.















