Pumanaw na ang Australian music legend na si Molly Meldrum sa edad na 83.
Kinumpirma ng pamilya nito ang pagpanaw ng music promoter sa kaniyang bahay sa Melbourne.
Mula pa kasi noong 2011 ay mayroon na itong brain injury na kaniyang natamo matapos na mahulog sa hagdan.
Isinilang sa Victoria noong 1943 bilang si Ian Alexander Meldrum.
Kilala siyang music promoter na nasa likod ng ilang sikat na grupo at singer gaya nina Kylie Minogue, Abba at INX.
Nakapanayam na rin nito ang ilang kilalang tao gaya nina King Charles at Elton John kung saan itinuturing na mahalagang impluwensiya sa Australian pop music.
Sumikat siya bilang host ng ilang TV show sa Australia.
Siya lamang ang unang tao na hindi recording artist na hinirang sa Australian Recording Industry Association (Aria) Hall of Fame.
















