Ibinunyag ng British heavyweight boxer na si Tyson Fury na siya ay na-diagnosed ng schizophrenia.
Nangyari ito matapos ang laban niya kay Wladimir Klitschko noong 2015.
Dagdag pa nito na nakakarinig ito ng mga tinig sa utak na sasaktan siya at maging ang kaniyang pamilya.
Ang schizophrenia ay isang uri ng chronic mental health disorder na nakakaapekto kung paano mag-isip, makaramdam at tanggapin ang realidad ng isang tao.
Hindi rin maipaliwanag ng 38-anyos na boksingero ang kaniyang nararamdaman.
Habang ang sabi ng kaniyang mga doktor na dumanas ito ng anxiety attack.
Matapos kasi ang panalo noon kay Klitschko ay nadagdagan ang kaniyang timbang at naging sugapa ito iligal na droga at alkohol.
Napaglabanan din nito ang sakit kung saan mas tinutukan niya ang kaniyang pamilya at bumalik ito sa training.
Dahil dito ay nagwagi siya laban kay Deontay Wilder noong 2020.
Naghahanda na ito ngayon sa laban niya kay Anthony Joshua na gaganapin sa Cardiff sa darating na Disyembre 11.















