-- Advertisements --

Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang pananahimik ng ilang civil society at ilang grupo na lumalaban sa flood control.

Ayon kay Duterte na hindi tinatalakay ng mga grupo ang ipinaglalaban ng paglantad ng 18 marines na umano’y mga tauhan ni dating Representative Zaldy Co.

Dagdag pa ng Bise Presidente, na nakakabingi ang pananahamik ng grupo at hindi sinusuportahan ang ipinaglalaban ng 18 marines.

Magugunitang naghayag ng suporta si Duterte sa 18 Marines dahil sa tapang na ipinakita nila para ilantad ang pagbabayad ng nakamaletang pera sa ilang mga opisyal ng gobyerno kasama na ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).