Sasalubungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Polish President Karol Nawrocki sa kanyang pagbisita sa Pilipinas mula Oktubre 5 hanggang 8,2026.
Ito ang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas ng isang Polish head of state at inaasahang magpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Poland.
Tatalakayin ng dalawang lider ang mga oportunidad sa kooperasyon sa depensa at seguridad, kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, agham at teknolohiya, information and communications technology, legal cooperation, turismo, at people-to-people exchanges.
Pag-uusapan din nila ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa kinaiinteresan ng dalawang bansa.
Itinatag ng Pilipinas at Poland ang diplomatikong relasyon noong Setyembre 22, 1973.
Batay sa datos, noong 2025, ika-28 pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ang Poland.
Tinatayang nasa 25,000 Pilipino ang naninirahan sa Poland, na lalo pang nagpapalakas sa ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga hakbang sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa ay ang unang pagpupulong ng Philippines-Poland Defense Cooperation Committee sa Warsaw noong Hulyo 2026 at ang ika-7 Political Consultations sa Maynila noong Setyembre 2026.
Sumali rin kamakailan ang Poland sa ASEAN Treaty of Amity and Cooperation, kasama ang Lithuania, Romania at Sweden, sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng kasunduan sa Maynila noong Hulyo.
Inaasahang magbubukas ang pagbisita ni Nawrocki ng karagdagang oportunidad para sa kooperasyon at pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Poland.
















