-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga magulang at guro na bantayan ang mga kabataan laban sa mga anumang krimen at karahasan.

Sa kaniyang pagbisita sa Patul Elementary School sa Santiago City, Isabela ay nakaharap niya ang mga guro at ilang mga magulang na dumalo sa kaagapay program na bilang bahagi ng School Safety Campaign ng Department of Education ay hinikayat niya ang mga ito na dapat ay bigyan ng sapat na atensiyon ang mga bata.

Agad aniya silang humingi ng tulong sakaling mayroong kakibang ikinikilos ang mga bata lalo na kung ang mga ito ay nasasangkot sa pakikisama sa ilang mga kriminal group.

Natitiyak naman nito na mayroong ginagawa ang gobyerno para magkaroon ng ligtas na paaralan at komunidad ang mga mag-aaral.

Una ng nagpahayag ng pagkabahala ang pangulo sa pagdami ng mga kaso ng pananakit o krimen sa mga paaralan na ang sangkot ay mga mag-aaral.