-- Advertisements --
Nagkasundo ang Group of 7 o G7 countries na maglabas ng 100 milyon na bareles ng crude oil at fuel mula sa kanilang stockpiles.
Ang nasabing hakbang ay para mapababa pa ang presyo ng produktong langis sa mundo dahil sa patuloy na labanan ng US at Iran.
Nagsagawa ng emergency na pagpupulong ang G7 countries matapos na hilingin ni US President Donald Trump ang European countries na maglabas ng lganis.
Mayroon silang koordinasyon sa International Energy Agency para sa pagpapalabas ng langis.
Ang G7 ay binubuo ng mga bansang United Kingdom, US, Japan, Italy, Germany, France at Canada.
















