-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bigtime oil price hike.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P5.20 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P13.95 na pagtaas sa kada litro ng diesel.

Mayroon naman na P20.95 na pagtaas ang kada litro ng kerosene o gaas.

Ang nasabing pagtaas ay staggered baseis lamang dahil mayroog panibagong round ng pagtaas sa araw ng Miyerkules, Marso 11.

Sa araw ng Miyerkules ay mayroong dagdag na P3.60 ang kada litro ng gasolina, habang P7.90 sa kada litro ng diesel at P15.00 sa kada litro ng kerosene.

Una ng sinabi ng Department of Energy na asahan pa ang pagtaas sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.