-- Advertisements --

Nagbabala ang CICC sa publiko laban sa pagkalat ng pekeng at recycled na social media content na ginagamit para samantalahin ang takot ng OFWs at kanilang pamilya.

Isang viral video na diumano’y nagpapakita ng Filipina sa Dubai na tinamaan ng Iranian missile ay natukoy na kuha pala noong 2020 sa Beirut, Lebanon. Ginamit ang Open-Source Intelligence (OSINT) at AI tools ng CICC para beripikahin ang nilalaman.

Ayon kay Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, ang ganitong reposting ay “engagement bait” at maituturing na digital crime, may parusa sa ilalim ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act.

Hinimok niya ang netizens na beripikahin ang sources at i-report ang kahina-hinalang content upang protektahan ang OFW community. (report by Bombo Jai)