-- Advertisements --

Nakataas na ang security alert ng U.S. Embassy sa Manila matapos masawi ang dalawang Filipino-American sa engkwentro sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA) sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19.

Dahil dito, pinayuhan ng embahada ang mga mamamayan ng Amerika na umiwas sa mga lugar na may aktibong operasyon ng militar, kabilang ang Negros, Leyte, Samar, at Mindoro.

Itinuturing ng U.S. at Philippine governments ang NPA bilang foreign terrorist organization. Binanggit ng embahada na dapat maging maingat ang mga Amerikano sa paglalakbay sa mga rural area at agad umalis kung makakita ng armadong grupo.

Kasabay nito, naglabas din sila ng Demonstration Alert kahapon kaugnay ng Labor Day protests sa Metro Manila.

Pinayuhan ang mga U.S. citizens na umiwas sa malalaking pagtitipon upang maiwasan ang posibleng kaguluhan.

Ang alerto ay bahagi ng mas pinaigting na seguridad ng U.S. Embassy sa bansa.