Nanawagan si Pope Leo XIV na wakasan na ang karahasan sa Yemen, dalawang linggo matapos siyang sumailalim sa operasyon sa baga.
Ayon sa Santo Papa, kabilang sa kanyang pangunahing ikinababahala ang makataong krisis sa lungsod ng Taiz sa timog-kanlurang bahagi ng Yemen, kung saan naghihirap ang mga mamamayan dahil sa kakulangan ng pagkain, malinis na tubig, at serbisyong medikal.
Umapela rin ang Santo Papa na itigil na ang mga labanan upang makapamuhay nang mapayapa ang mga mamamayan sa Yemen at sa iba pang bahagi ng rehiyon.
Samantala, ipinagdasal din ni Pope Leo XIV ang mga nasawi at nasugatan sa umano’y pag-atake ng mga terorista sa Hamound Church sa Jordan noong Biyernes.
Matatandaang sumailalim sa operasyon si Pope Leo noong Oktubre 13, kung saan tinanggal ang ibabang bahagi ng kanang baga matapos siyang masuring may adenocarcinoma, isang uri ng kanser sa baga.
Ayon sa mga doktor ng Santo Papa, hindi na niya kailangang sumailalim sa karagdagang therapy dahil hindi kumalat sa ibang bahagi ng kanyang katawan ang tumor.













