-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni Pope Leo XIV matapos na ito ay operahan sa baga.

Inilibas ng Vatican ang larawan ng 71-anyos na Santo Papa na nanguna sa misa sa loob ng Gemelli Hospital sa Roma kung saan ito naka-confine.

Makikita ang Santo Papa na nakatayo sa temporaryong altar na kanilang ginawa sa ika-sampung palapag ng nasabing pagamutan.

Pinasalamatan ni Pope Leo ang mga medical at nursing staff na tumingin sa kaniyang kalusugan.

Magugunitang tinanggal ng doktor ang nodules o ang nabuong tissue sa loob ng kaniyang baga na ito ay cancerous.

Matapos ang operasyon ay hindi nakitaan ang Santo Papa ng anumang sintomas ng infections o pagkakasakit matapos ang operasyon.