-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Vatican na tinanggap na ni Pope Leo XIV ang resignation letter ni Bishop Leopoldo Jaucian ng Diocese ng Bangued, Abra.
Ayon sa Holy See Press Office, na inaprubahan ng Santo Papa ang nasabing resignation base na rin sa nakasaad sa Canon 401, Paragraph 2 ng Code of Canon Law.
Nakasaad sa nasabing Canon Law na pinapayagang magretiro ang isang obispo dahil sa karamdaman o ibang mga kaso.
Ang 66-anyos na obispo ay isa sa tatlong Filipino Obispo na miyembro ng Society of the Divine Word.
Pinangunahan ni Jaucian ang diocese mula Marso 31 , 2007 hanggang ngayong Nobyembre 7, 2026.












