Wala pang katiyakan ang Vatican kung matutuloy ang pagbiyahe ni Pope Leo XIV sa mga bansang Uruguay, Argentina at Peru.
Gaganapin sana ang pagbiyahe ng Santo Papa mula Nobyembre 6 hanggang 17.
Ayon sa Vatican na kinailangan muna nila ng dagdag na pagsusuri sa 71-anyos na Santo Papa matapos na sumailalim ito sa operasyon para tanggalin ang naipong tissue sa kaniyang baga.
Wala na aniyang kailangan pa ng therapy para sa Santo Papa subalit kailangan pa ito ng dagdag na obserbasyon.
Kailangan ang adjustments sa mga schedule nito para makatulong sa tuluyang paggaling nito.
Maaring sa mga susunod na araw ay kukumpirmahin ng Vatican kung matutuloy ang pagbiyahe ng Santo Papa.
Magugunitang noong nakaraang Oktubre 18 ng tuluyang makalabas na sa pagamutan ang Santo Papa at pa-konti-konti na itong bumabalik sa kaniyang trabaho sa Vatican.














