-- Advertisements --

Kinilala ang Lungsod ng Taguig bilang isa sa mga Best LGU Rabies Program Implementers sa ginanap na Animal Health Congress 2026 noong Oktubre 29.

Tinanggap ni Dr. Alexis Siblag at ng kanyang team mula sa Office of the City Veterinarian (OCV) ang Award of Excellence sa ginanap na seremonya sa Quezon City.

Iginawad ang parangal bilang pagkilala sa mga programa ng lungsod laban sa rabies, kabilang ang malawakang pagbabakuna sa mga hayop, pagsubaybay sa mga kaso ng sakit at edukasyon tungkol sa responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop.

Kabilang ang Taguig sa apat na lungsod sa Metro Manila na tumanggap ng naturang pagkilala.

Patuloy na nagsasagawa ang lungsod ng Pet Caravan at house-to-house anti-rabies vaccination upang mapalawak ang pagbabakuna at maprotektahan ang kalusugan ng publiko at mga alagang hayop.

Samantala, patuloy naman sa pagsasagawa ng pamahalaang lungsod ng mga pet caravan at house-to-house anti rabies vaccination drive upang mapalapit sa mga residente ang pagbabakuna sa mga alagang hayop.

Layon ng programa para maiwasan pagkalat ng rabies at maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya.