Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nakatakda sanang Oktubre 31, 2026 compliance deadline para sa mandatory online posting ng BIR Registration Seal Badge hanggang sa magkaroon ng panibagong anunsyo.
Ipinatupad ang naturang hakbang sa pamamagitan ng inilabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 113-2026 na nilagdaan ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza.
Isinagawa ang pansamantalang pagpapatigil kasunod ng mga ipinaabot na pangamba at hinaing mula sa mga online seller, content creator, at iba pang taxpayers.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng suspension ang mga usapin ukol sa data privacy, mga usaping teknikal sa system, at ang saklaw ng mismong requirement.
Sa ngayon, maaaring basahin ng publiko at ng mga negosyante ang opisyal na pahayag ng komisyoner at ang buong detalye ng RMC No. 113-2026 sa opisyal na komunikasyon ng ahensya.














