-- Advertisements --

Apektado ang 22 pamilya at 30 tenants matapos sumiklab ang isang malaking sunog pasado alas-11:00 kagabi sa Purok Islam 13-A, Barangay Dadiangas South, General Santos City.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Senior Fire Officer 1 Lester John C. Muñez, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection (BFP)–GenSan, na umabot sa P1,750,000 ang kabuuang halaga ng pinsala sa ari-arian dahil sa naturang insidente.

Mabuti na lamang at walang naitalang nasawi o nasugatan sa mabilis na pagkalat ng apoy sa nasabing komunidad.

Bagamat patuloy pa ang imbestigasyon sa eksaktong sanhi ng sunog, nabatid na nagsimula ang pag-apoy sa bahay ng isang residente na kinilalang si Teresita Cora.

Samantala, berada at nasa kustodiya na ngayon ng Police Station 6 (PS-6) ang suspek na kilala sa alyas na “Dodong” kaugnay ng nangyaring sakuna.

Ayon sa salaysay ng isang batang babaeng witness na nakakita sa pagsisimula ng apoy, si alyas “Dodong” umano ang nagpasimula ng sunog sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga kawad na inilagay sa loob ng karton.