-- Advertisements --

Pinangunahan ni Luka Doncic ang Los Angeles Lakers sa 132-123 panalo kontra Utah Jazz nitong Linggo matapos umiskor ng 52 points kabilang ang 8 three points.

Nagtala si Doncic ng 10 assists at 7 rebounds, habang 29 points naman ang aiambag ni Austin Reaves upang tulungan ang Lakers na makuha ang kanilang panalo kontra Utah.

Sa fourth quarter, nagpakawala si Doncic ng dalawang sunod na three-pointer upang bigyan ang Lakers ng 127-121 kalamangan.

Nanguna naman si Lauri Markkanen sa Jazz sa 28 points habang nag-ambag si Keyonte George ng 24 points, 9 na rebounds at 10 assists. Gayunman, hindi napangalagaan ng Utah ang 18-puntos na kalamangan nito sa second quarter.

Sa panalong ito, umakyat sa 3-0 ang rekord ng Lakers sa simula ng season. Susunod nilang makakaharap ang Portland Trail Blazers sa Martes sa kanilang home court.