Tinitingnan ni LeBron James ang ilang NBA teams na posibleng malilipatan kasunod ng kanyang pag-alis sa Los Angeles Lakers.
Ayon sa agent ni LeBron na si Rich Paul, pinag-aaralan ng superstar forward ang lahat ng kanyang options at ang magiging epekto nito sa kanyang career.
Hindi rin aniya simpleng pag-aaral ang ginagawa ng naturang superstar, dahil gumagamit sila ng “whiteboard and pointer” upang suriin ang magiging epekto ng desisyon, kabilang ang “plus and minus” sa bawat sitwasyon.
Matapos magpaalam sa Los Angeles, sampu hanggang 12 team na umano ang nakipag-ugnayan sa kanyang agent at nagpahayag ng interes na makuha ang 4-time NBA champion.
Lahat ng mga ito ay nakalista sa whiteboard na ginagamit ni LeBron, at sinusuri ang magiging bentahe kung maglalaro siya sa alinman sa mga ito.
Kabilang sa mga ikinukunsidera ni James, ayon kay Paul, ay ang mga koponang kasalukuyang sangkot sa malalaking trade, gaya ng pagpasok ni Jaylen Brown sa Philadelphia 76ers.
Ilan sa mga team na kanyang ikinukunsidera ay ang Cleveland Cavaliers, Denver Nuggets, Minnesota Timberwolves, Miami Heat, Golden State Warriors, at iba pa.
















