Nakuha ng Los Angeles Lakers ang ikalawang sunod na panalo sa pagsisimula ng regular season matapos talunin ang Los Angeles Clippers, sa score na 125-117, nitong Biyernes ng gabi.
Nanguna si Austin Reaves sa Lakers sa kanyang 28 points at 9 na assists, habang nagtala si Walker Kessler ng 22 points at 6 na blocks. Nag-ambag naman si Luka Doncic ng 23 points sa kabila ng career-high na 11 turnovers.
Sa unang quarter, unang nakalamang ang Clippers, 31-27. Gayunman, bumawi ang Lakers sa ikalawang quarter at naitabla ang iskor sa 64-64 pagsapit ng halftime.
Lalong naging agresibo ang Lakers sa third quarter at nagtayo ng 13 puntos na kalamangan, 103-90. Sinubukan pang humabol ng Clippers sa fourth quarter matapos magtala ng 27 puntos kumpara sa 22 ng Lakers, ngunit hindi ito naging sapat upang maagaw ang panalo.
Sa pangunguna nina Reaves at Kessler, napanatili ng Lakers ang kalamangan at tuluyang naselyuhan ang panalo sa iskor na 125-117.
Nagtala si Darius Garland ng 26 points at 6 na assists para sa Clippers, 22 points at 4 rebounds naman ang naitala ni Brook Lopez at 16 points, 6 rebounds, 1 asssist at 2 steal ang naitala ni Rui Hacimura.
Susunod na makakaharap ng Lakers ang Utah Jazz sa Linggo.















