Pinauwi ng De La Salle University (DLSU) Manila ang kanilang mga estudyante, faculty, at kawani ngayong Lunes, Oktubre 26, 2026, kasunod ng natanggap na banta sa seguridad o security threat.
Maayos at kalmadong nilisan ng mga tao ang pamantasan matapos silang payuhan ng pamunuan na i-vacate ang buong campus para sa kanilang kaligtasan.
Pormal na isinara ang campus noong ala-una ng hapon upang magbigay-daan sa isinasagawang safety assessment ng security authorities.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasagawa ng masusing pagsusuri ang Manila Police District (MPD) upang matukoy ang pinagmulan at katotohanan ng naturang banta.
Samantala, naghihintay pa ang publiko at ang komunidad ng DLSU sa mga karagdagang impormasyon at opisyal na ulat na ibabahagi ng mga awtoridad ukol sa insidente.















