Umabot na sa maximum bed capacity ang Northern Samar Provincial Hospital na dahilan ng pangambang pansamantala munang ipatigil ang pagtanggap ng pasyente sa naturang ospital.
Hinimok din ng pamunuan ng ospital ang mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan na magtungo muna sa ibang mga ospital na may bakanteng kama at kakayahang magbigay ng kinakailangang serbisyong medikal.
Ayon sa pamunuan ng ospital na umabot na sa 360 ang pasyenteng kasalukuyang naka-admit, doble na ito sa 150 na bed capacity at lumalampas na rin sa actual 200-bed operating capacity ng mismong opsital.
Ayon naman sa inilabas na contingency measures, pinag-aaralan ng ospital na ilipat ang mga pasyenteng may hindi malulubhang karamdaman sa mga karatig na ospital, sa ganito umanong paraan mas magkakaroon ng maraming espasyo sa mga pasyenteng mayroong seryosong kondisyon tulad ng stroke at pneumonia.
Sa kabila nito humingi naman ng pang-unawa ang pamunuan ng Northern Samar Provincial Hospital sa publikong nasasakupan nito unawain ang kasalukuyang sitwasyon ng ospital dahil sa biglaang paglobo ng bilang ng mga pasyente.








