-- Advertisements --
Muling sumadsad sa panibagong record low ang halaga ng piso kontra dolyar matapos magsara sa P63.95 ang palitan nito ngayong Lunes, Oktubre 26, 2026.
Nahigitan ng naturang pagsasara ang naitalang dating all-time low na P63.615 noong Biyernes, Oktubre 23.
Bago ang opisyal na pagtatapos ng palitan, umabot sa P63.95 ang palitan ng piso sa intraday trading ngayong araw.
Ito na ang ika-32 pagkakataon na naitala ang all-time low sa halaga ng piso ngayong taon.
Umaasa naman ang financial analyst na si Rogel Morales na makakabawi pa ang halaga ng piso, ngunit wala umano sa kamay natin ang takbo ng kalakalan.
Malaking factor aniya ay sa paglakas ng dolyar na binubuhusan din ng effort ng Estados Unidos.














