-- Advertisements --

Ilocos Norte 1st District ang may pinakamalaking halaga ng mga proyektong nakalaan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panukalang 2027 national budget, batay sa pagsusuri ng People’s Budget Coalition na inilahad sa pagdinig ng Senate Finance Committee ngayong Lunes, Oktubre 26.

Ayon kay Kenneth Ibasco Abante, co-convenor ng People’s Budget Coalition, umabot sa P4.74 bilyon ang halaga ng mga proyekto sa Ilocos Norte 1st District, na nakatala sa 433 budget lines.

Sinundan ito ng Nueva Ecija 1st District na may P3.86 bilyon, Bulacan 2nd District na may P3.47 bilyon, Metro Manila 3rd District na may P3.09 bilyon, at Isabela 4th District na may P3.07 bilyon.

Kabilang din sa walong district office na may pinakamalaking halaga ng mga proyekto ang Batangas 2nd District na may P2.90 bilyon, Bulacan 1st District na may P2.63 bilyon, at Cavite 1st District na may P2.59 bilyon.

Ang mga halaga ay tumutukoy sa mga proyekto ng DPWH district offices at hindi direktang halaga ng pondong napunta sa mga kongresista