Naglunsad ng imbestigasyon ang Department of National Defense (DND) kaugnay ng insidente sa Lipa, Batangas, na ikinasawi ng apat na piloto ng Philippine Air Force (PAF).
Kinumpirma ng PAF na nasawi ang apat na piloto noong Biyernes matapos masangkot sa isang aviation accident ang dalawang SF-260 aircraft habang nagsasagawa ng training flight.
Gayunman, sinabi ng PAF na hindi pa nito makumpirma kung nagkaroon ng aktuwal na banggaan sa pagitan ng dalawang sasakyang panghimpapawid.
Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang DND sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawing piloto sa pamamagitan ng isang pahayag na inilabas noong nakaraang linggo.
Binigyang-diin din ng kagawaran na mananatili itong nakatuon sa transparency, pananagutan, at pagtiyak sa kaligtasan ng mga tauhan nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.














