-- Advertisements --

Nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maituturing na act of war laban sa Pilipinas ang anumang paggamit ng puwersa ng China laban sa BRP Sierra Madre, isang barkong militar ng bansa.

Ayon kay Teodoro, dapat seryosohin ang ulat na pinag-aaralan umano ng Beijing ang pag-target sa barko bilang bahagi ng posibleng hakbang laban sa Pilipinas.

Gayunman, nilinaw niyang Hindi awtomatikong nangangahulugan ang act of war na umiiral na ang estado ng digmaan, na tanging pangulo at kongreso ang may kapangyarihang magtakda.

Binigyang-diin din ng kalihim ang pangangailangang palakasin ang ekonomiya, lokal na industriya, sandatahang lakas at mahahalagang imprastraktura ng bansa upang Hindi madaling maapektuhan ng posibleng panggigipit o economic sanctions ng China.

Ayon kay Teodoro, Hindi dapat lubusang umasa ang Pilipinas sa bansang umaangkin sa teritoryo nito dahil maaaring gamitin bilang panggigipit ang ugnayang pang-ekonomiya.

Wala pa siyang nababasang mismong artikulo tungkol sa iniulat na plano ng china nang gawin niya ang pahayag.