-- Advertisements --

Umano’y sinabihan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro si Chinese Ambassador Jing Quan na makipag-usap nang maayos matapos nitong magtaas ng boses sa kanilang closed-door meeting noong Oktubre 19.

Iginiit din umano ni Lazaro na dapat panagutan ni Jing ang kontrobersiyang idinulot ng kaniyang pahayag na madaling matatalo ng China ang Pilipinas sakaling gumamit ito ng puwersa.

Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Jing upang ipahayag ang matinding pagtutol ng Pilipinas sa kaniyang mga pahayag, na tinawag nitong mapanulsol at hindi katanggap-tanggap.

Samantala, itinanggi ng panig ng China ang mga batikos at iginiit na kinuha lamang sa konteksto ang pahayag ng ambassador.

Hinimok din ng Chinese Foreign ministry ang Pilipinas na pigilan ang umano’y iresponsableng mga pahayag at hakbang laban sa China.