Pinagpapaliwanag ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga pangunahing telecommunication companies sa bansa dahil sa mahinang mobile broadband o internet service.
Tinukoy ng komisyon ang ilang mga pangunahing lugar sa Metro Manila kung saan ang inirereklamo ng internet users ang mahinang serbisyo.
Ayon kay NTC Consumer Welfare & Protection Division chief, Atty. Kathlyn Jaylou Egipto, pinadalhan ng show cause orders ang mga naturang telco upang pagpaliwanagin at utusang ayusin ang mahinang internet services.
Para sa Globe, inatasan itong ayusin ang kanilang serbisyo sa Manila, Makati, at Quezon City.
Inatasan din ang DITO na ayusin ang serbisyo sa San Juan, Pasay, at Las Piñas.
Sa kabilang banda, inatasan naman ng NTC ang Smart na tutukan ang internet service sa Parañaque, Manila, at Pasig City.
Nais ng NTC na panatilihin ng mga naturang telco ang 50 Mbps ang minimum average download speed.
Nakatakda ring maglalabas ang NTC ng karagdagang show cause orders sa iba pang rehiyon sa bansa na nakapagtala ng mahinang signal base sa kanilang re-validation nitong September 2026.
















