Ipinatutupad nang muli simula ngayong araw ang No Contact Apprehension Program o NCAP sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ganap nang ipinatutupad ngayong Lunes ang implementasyon ng NCAP 2.0 sa lungsod.
Babala ng alkalde lalo na sa mga abusadong motorista sa kalsada ay wala na umano silang magiging ‘excuse’ sakaling mahuli.
Kung maaalala, dati na aniyang ipinatupad ang naturang programa nagresulta sa daan-libong nahuling motorista sa lungsod.
Kaya’t malakas ang pagtitiwala ng alkalde na gamit ang teknolohiya, hindi na makakalusot sa ‘apprehension’ ang mga drayber na walang disiplina.
“Ang mga abusado sa kalsada, wala nang excuse because today, inuumpisahan na pong i-implement ang non-contact apprehension,” ani Mayor Isko Moreno Domagoso.
Ang No Contact Apprehension Program o NCAP ay muling ipinatutupad matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga petisyon kumukwestyon dito.
















