Gumuho ang bahagi ng isang 2-storey house sa Peñarubia St., Brgy. San Nicolas sa Binondo, Manila nitong Huwebes dakong alas-9 ng gabi, Oktubre 1.
Batay sa mga saksi sa pagguho, nagulat daw ang mga ito nang biglang magiba ang harapang bahagi ng nasabing bahay.
Isang batang babae at lalaki ang nahulugan ng debris ang naiulat na sugatan sa insidente, kabilang ang isang tindera na na-trap pansamantala sa mga nahulog na bahagi ng bahay ngunit nailikas naman ito sa tulong ng mga residente sa lugar.
Nabigyan din ng paunang lunas ang mga ito bago dalhin sa malapit na ospital.
Agad ding rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) and Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa lugar upang pangasiwaan ang imbestigasyon at clearing operations.
Kasalukuyan na ring tinutukoy ng awtoridad ang bilang ng mga sugatan sa insidente at sanhi ng pagguho ng gusali.















