-- Advertisements --
Nagdadalamhati ngayon ang Roman Catholic Diocese of Cubao dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang pari nila.
Unang inanunsiyo ng diocese ang pagpanaw ng 54-anyos na si Fr. Michael James Ty ng alas-3 ng hapon nitong Biyerne, Setyembre 11.
Matapos ang ilang minuto ay muli silang naglabas ng hiwalay na anunsiyo dahil sa pagpanaw ng 35-anyos na si Fr. Edward Anthony Cometa.
Ang dalawang pari ay kapwa dinala sa parehas na pagamutan.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye sa naging sanhi ng kamatayan ng dalawang pari.
Itinuturing ng diocese na ang dalawang pari bilang kapatid sa ministry at hiniling nila sa mga mananampalataya na ipagdasal ang kaluluwa ng dalawang pari.















